Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2020

Manguha Tayo Ng Kapis Talaba At Mga Shell Sa Bakawan

Ang Kapis, talaba at iba pang shell na makukuha sa bakawan ay isa sa mga pangunahing pagkaing kinukuha namin sa Busuanga Palawan. Itoy makikita sa mga sanga sangang ugat at nakasingit sa mga ugat ng bakawan. Karaniwang matataba ang mga kapis at talaba at meron itong iba't -ibang laki. hindi rin madali ang pagkuha ng mga Kapis at talaba dahil kailangan mo itong hanapin sa mga puno ng bakawan. Kailangan mo ding lumusong sa tubig at putikan lalo na kung hindi low-tide. Bukod sa kapis at talaba nakakuha din kami ng kibaw or Mad clams na mas mahirap kunin dahil kailangan mong apak-apakan sa ilalim ng putikan. mas mainam itong kunin kapag ka hindi masyadong malalim ang dagat. Bukod sa mahirap kunin dimo maiwasang kagatin ng mga nik-nik sa bakawan at lumubog sa mga putikan. Kaya mainam na manguha ng mga naturang pagkain sa bakawan kapagka mababaw ang dagat. magdala ng mga gamit tulad ng itak, guwantes, basket at masasakyan gaya ng balsa o banka. Masarap kainin ng sariwa ang k...

Manghuli Tayo Ng Kuday Or Landcrabs Gamit Ang Bamboo Trap

Paano ba manghuli ng Landrabs or kuday gamit ang bamboo traps. Siyempre kailangan mo munang pumutol ng kawayan at putol-putulin. Pagkatapos hiwain kailangan na butasan ang magkabilang dulo at lagyan ng trap at lock at tali para hindi makalabas ang landcrabs kapag nakapasok na sa loob. Gumawa kami ng labing apat na bamboo traps at tumagal ito ng isang araw bago namin natapos. mabusisi din ang paggawa ng bamboo traps. kailangan mo din ng medyo mas malalaki ang butas ng kawayan para mas malaki ang makuha. Bukod sa landcrabs or kuday ang bamboo crabs ay ginagamit din sa pagkuha ng Mad Scorpion or Manla. Kaya naghanap kami ng lugar o isla na pwede naming lagyan ng mga bamboo traps para makahuli kami ng marami. Pumunta klami sa isang isla na merong magandang buhanginan at maraming landcrabs. At dahil malayo ang isla doon kami nakakuha ng 15 pirasong kuday o landcrabs. may malalaki at maliliit. kailangan naming icheck every 2 hours para maharvest ang mga nahuhuling la...

Budol Fight Sa Garden

Ang budol fight ay sama-samang pagkain ng sari-saring pagkain na nakalapag sa hapag-kainan. nakalgay ito sa isang mahabang papag or lamesa na ginagamitan ng saging at nakaayos ang kanin at sari-saring ulam o prutas. Karaniwan ding itong ginagawa kapag may mga kasiyahan, fiesta or may mga okasiyong pampamilya or pampubliko. Madalas itong maraming klase ng putahe na ulam gaya ng mga inihaw na isda, lato, barbeque, pork chop,prutas, gulay, pancit at marami pang iba. Ginagawa din ang Budol Fight sa labas ng bahay at karaniwang nakatayo pero pwede ring nakaupo. Masaya ang Budol fight dahil pabilisan itong kumain at kailangang ubusin ang mga pagkaing natapat sa iyong pwesto. Kaya huwag kalimutang panuorin ang video para maikita mo kung paano kami nag budol fight at siyempre huwag kalimutang magiwan ng inyong mga komento at mag subscribe.

Gata Ng Kuday Landcrabs At Shout Out Sa Mga Tangay TV Viewers

Ang kuday or Landcrabs ay isang klase ng alimasag na nakukuha sa mga buhanginan. Ito ay gumagawa ng mga butas sa ilalim ng mga buhanginan na malapit sa mga sapa or lawa na mayroong mixture ng salt and fresh water. siyempre kailangan mong gumamit ng bamboo trap para makahuli ng landcrabs or kuday. Ang Landcrabs ay masarap gataan kaya nagluto kami ng ginataang landcrabs at hinaluan namin ng mga gulay. Siyempre kailangan ng magkayod ng niyog, maghiwa-hiwa ng mga ingridients at mga gulay. siyempre masarap ang kalabasa, talong, okra at malungay sa ginataang kuday. Kaya naman nagluto kami sa labas ng bahay at sa malaking kaldero dahil marami kaming kakain Pagkatapos magluto namigay kami sa kapitbahay at siyempre enjoy ang aming lunch for the day. Para sa inyong mga comment at suggestions maari niyo pong isulat sa comment section at huwag kalimutang panuorin ang video at magsubscribe sa TangaY TV.

Actual Footage At Makapigil Hiningang Pagsalba Sa Batang Nasalabay

Ang Jellyfish ay isang hayop sa dagat na may iba't-ibang uri, kulay , laki at species. Karaniwan na itong nakikita sa mga karagatan sa malalim man o sa mga baybayin na malapit sa mga aplaya. Halos lahat ng uri ng jellyfish ay makati. May mga ibang jellyfish na walang galamay ngunit madalas ay may mahahabang galamay na umaabot hanggang 2 metro o higit pa. Madalas yung mga nakikita sa mababaw na lugar ay yung mga halos puti or transparent na kulay na may mahahabang galamay. Ang mga ganitong uri ng salabay or jellyfish ay karaniwang makamandag at maaring ikamatay ng isang taong nasaputan ng galamay kapag hindi naagapan or nabigyan ng mga paunang lunas. Ito ang mga uri ng jellyfish na masyadong makamandag lalo na ang jellyfish na meron lang 3 puno ng galamay sa katawan. Ang kamandag ng jellyfish ay mabilis na kumakapit at kumakalat sa loob ng katawan ng isang tao at maaaring mamatay lalo na kapag nasaputan ang mga maseselang parti ng katawan tulad ng mga pulso, pusod, sex organ, l...