Kasama ng TANGAY TV ang Al Faro Foundation, Al Faro Staff, sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Officials ng Barangay Sagrada, naipaabot natin sa mga taga Barangay Sagrada ang tulong o ayuda na bigas at itlog na pinagkaloob mula sa Al Faro Foundation. Sa pangunguna ni Mam Evelyn Historillo naging matagumpay ito at masaya ang ating mga kababayan na nakatanggap ng konting tulong mula sa Al Faro Foundation. Lubos ding nagpapasalamat ang mga taga Barangay Sagrada at pamunuan ng Barangay sa Al Faro Foundation at mga Sponsors nito. Salamat kay ate Nitz at Sir Jimmy na siyang nag-initiate na makapagbigay ng ayuda in connection with Typhoon Quinta. Mabuhay ang Al Faro Foundation
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento