Ang Mt. Talapay ay isa sa mga sikat na pasyalan sa Barangay Decabobo, Coron , Palawan. Karaniwang dinadayo ito ng mga tao mula Coron at Busuanga. Ito ay matatgpuan sa may paanan ng bundok at nagluluntiang mga punong kahoy. Malayo din ito pero madalas dinarayo ito dahil sa overlooking view at napakasariwang hangin at nakakarelax ang paligid nito. Kung isa kayong Nature lover perfect na puntahan ang lugar na ito.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento