Pumunta kami sa bukid at Naghukay ng kamoteng kahoy nagdala kami ng kinayod na niyog at asukal para ihalo sa gagawin naming nilupak.. Ang nilupak ay isa ding delicay na paborito ng mga taga Busuanga, Kailangan mong maghukay muna ng kamote, balatan, hugasan at ilaga tapos kailangan ng lusong ( Mortar) at alo (pestle) para bayuhin ang kamote, haluan ng asukal at kinayod na katamtamang gulang na niyog. Bayuhin ito hanggang madurog ang kamote at maging creamy.. ready na itong kainin, pwedeng lagyan ng margarine habang kinakain. Nanguha nadin kami ng mga gulay.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento