Napadaan tayo sa isang lugar sa Bayan ng Coron at nakita nating maraming mga Senior citizen na mga nakaupo sa isang waiting shed galing sa isang isla dahil naghihintay ng kanilang pension. Halos maghapon na silang naghihintay at di pa sila nagtanghalian dahil wala pa ang nagrerelease ng pension nila.. kaya kahit konteng paraan lang ay binilhan natin sila ng makakain para may makain man lang habang naghihintay sa kanilang pension. Nagkataon lang na nandon po ako sa lugar para mag vlog sa kalapit lugar kaya nadaaanan ko po sila at tinanong dahil matagal na silang mga nakaupo sa lugar.. Naawa lang ako kaya naisipan kong bigyan ng Biscuit at may makain habang naghihintay sila sa kanilang pension. Pangarap kong makapamigay sa mga kapwa natin mahihirap sa darating na mga araw.. Wish someday someone can help me too for that dream..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento