Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Mga Bubo Nakahuli Ng Alimango At Mga Alimasag

Tatlong beses namin inarya ang bubo para makaipon ng alimango at mga alimasag na gagataan. nakakuha kami ng isang alimango at 23 pirasong alimasag at 2 isda kaya ginataan namin ito para ulam sa tanghalian. Ginawa lang namin ang bubo para panghuli lang ng pang-ulam.. sa susunod arya namin sa bahura para makahuli ng isda.

How To Play The Cashew Nuts Paano Laruin Ang Buto Ng Kasoy

Naglaro kami ng mga buto ng kasoy mga dating larong pinoy sa Busuanga Palawan kapagka panahon ng kasoy.. Merong limang laro na madalas laruin ng mga batang Palawan gaya ng Siklot, Adding, Taching, Shutan at Targetan. Mga larong pinoy na unti unti ng natatabunan ng makabagong panahon dahil sa mga electronics at gadget. So paminsan minsan muli nating balikan ang mga dating nakagawian.

Paano Manguha Ng Lato Sa Hibasan How To Get Seaweeds During Low Tide

Hibas or low-tide po ngayong araw kaya naisipan kong manginas at manguha lang ng lato para may pandagdag sa ulam.. kaya mabilis lang kaming nakakuha ng isang palangganang lato para lang sa dalawang araw na ulaman. So salamat s aDios sa mga yamang dagat na nakapaligid sa amin dahil kahit papaano ay nakakakuha kami ng mga sariwa at masasarap at libring ulam mula sa dagat.. marami siya actually pero limit lang yung kinuha namin para meron pang balikan sa ibang araw at ganon din ang ibang mga taong gusto din manguha ng lato.

Fishing Kahit Hibla Ang Pain Daming Isda Na Kumakain

Bundak is a kind of long line fishing with small hooks and nylon. Ginagamitan ng rintik na iba't-ibang kulay depende sa gusto mo.. meron maliit na kawil/hook at nylon.. usually nilalagyan ng mga 7-20 hooks ang isang line. Nakakahuli ito maalas ang mga puting isda gaya ng talakitok, salay-salay, putian, galonggong, turay, matambaka, dalagang bukid, at iba pang isda na puti. madalas nagbubundak sa umaga at sa hapon at sa mga panahon na umuulan-ulan na.

Daming Mga Manok Si Tatay Feeding The Chicken

Maraming manok si tatay at umaga hapon ang pakain niya kaya kapag hapon pinagkakaguluhan siya ng mga manok niya. meron din siyasng mga kalapati. Si nanay naman busy sa mga bulaklak niya.. buhay probinsiya simple pero masaya.

Paano Gumawa Ng BuBo Traps Gamit Ang Green Screen

Gumawa kami ng siyam na bubo para sa isda at alimango nilagyan ko ng name tags para merong palatandaan ng TANGAY TV at malalaman ko kung kaninong mga bubo ang makakahuli.. hindi pa siya naihuhulog sa dagat pinasukan na agad ng mga manok.. gusto ko ding ma enhance and develop yung skills ng mga pamangkin ko sa craftmanship at knitting ng mga lokal products. at magamit sa kabuhayan para dina bibili ng isdang pang ulam.

Mga Huli Sa Gabi Night Spear Fishing

Ang gaganda na naman ng isdang napana ng mga tangay ngayong gabi. Di tayo nakasama dahil busy tayo sa shop.. nakakuha sila ng isang Grouper na about 3.5kls. maraming variety ng lapu-lapu at ibat ibang parrot fish, samaral, dalagang bukid, matampusa, at marami pang iba. Sarap ng buhay sa probinsiya sagana sa mga yamang dagat.