Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Spearfishing During Night Malalaking Isda Nakukuha

Namana ang mga tangay sa isang Japanese Wreck at marami silang nakuhang mga grouper, parrot fish, danggit, dalagang bukid at marami pang iab..

Babala At Paalala Ng Philippine Coast Guard Sa Lahat Ng Mangingisda At Naglalayag Sa Karagatan

Mahigpit na babala at paalala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga mangingisda at naglalayag sa buong Pilipinas ang mga sumusunod para maiwasan ang mga trahedya at aksidente sa karagatan: 1. Alamin ang lagay na panahon bago pumalaot. 2. Makinig sa radyo at manood ng television ukol sa mga ulat panahon. 3. Huwag maglayag pag may bagyo o kapag masama ang panahon. 4. Tumulong sa pagbibigay ng mga paalala, babala at pagbabawal sa paglalayag sa panahon ng bagyo sa iba pang mga kasamahang mangingisda. 5. Kung maganda ang panahon, tiyaking maayos ang makina at mga katig ng bangka bago maglayag at magdala ng mga gamit pangkumpuni. 6. Ipagbigay alam sa inyong barangay kapitan o lokal na opisyal ang gagawing paglalayag at mag-iwan ng contact number. 7. Alamin at tandaan ang mga hotline numbers ng Coast Guard, NDCC, AFP PNP at ng inyong mga barangay at bantay dagat. 8. Magdala ng sapat na life jackets, flashlights, baterya at pito sa paglalayag. 9. Magdala rin ng fully charged na cell phon...

Scorpion Crabs Mud Crabs Manla Ginataan

May naglako po ng Mad Scorpion o Manla sa Busuanga Palawan. itoy galing sa karatig baranggay 8 piraso ang isang tuhog sa halagang 150 ay bumili ako dahil masarap itong gataan. kahit meron siyang after taste masarap padin dahil ang laman ay halos pareho sa alimango. Ang Scorpion ay karaniwang nakukuha sa malabuhangin na putik at meron itong butas kung saan doon siya nakatira sa ilalim. nakukuha ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bamboo trap sa butas ng bahay. karaniwang lumalabas ito sa gabi para kumain at nasa loob naman ng bahay nito sa araw. makikita mo na mataba ang manla or scorpion crabs kapag ka naninilaw o mala orange ang buntot nito.

Boodle Fight Food Trip Tayo Sa Bukid

Pumunta kami sa bukid nila auntie para manguha ng burot at tagya kaya naghanda narin kami para sa isang boodle fight na lunch.. siyempre marami kaming naihandang mga simpleng pagkain.. nagihaw kami ng isda, meron kaming petsay, sili, kasoy, langka, buko, bagoong, daing, sawsawan, tagya siyempre bagong bigas na kanin. Kaya simpleng budol fight na masaya at busog kaming laha. Salamat sa Dios sa mga biyaya at kalakasan na binibigay niya sa araw-araw.

Pinakasikat At Paboritong Pasyalan Ng Mga Turista Na Waterfalls Sa Busuanga Palawan

Concepcion Falls Ito ay isa lamang sa pinakasikat na mga waterfalls na matatagpuan dito sa Busuanga Palawan. Halos araw-araw ay may mga pumupunta dito at halos laging puno. makikita dito parate ang pagdagsa ng mga local at foreign tourists. Matatagpuan ito sa pagitan ng Barangay Sagrada at Barangay Concepcion. summer time man or rainy days walang humpay padin ang mga bumibisita dito para mag enjoy sa malamig na tubig ng falls. Ito at may mababaw at malalim na bahagi na pwede sa mga bata at mga may edad na.. Dinarayo ito ng mga tao dahil sa malawak din na pool niya at pwedeng magdive at lumapit mismo sa bumabagsak na tubig nito. Meron din itong mga waiting shade at lamesa para sa mga kumakain at merong ding CR. siyempre lahat ng mga bumibisita ay kailangang mag log-in at maglista ng pangalan para malaman kung sino ang mga bumisita sa araw na yaon para din malaman ang records kung sakaling may mangyaring aksidente sa loob ng waterfalls. Siyempre bawal magkalat ng basura dito..

Alfaro Resort In Busuanga Palawan During Covid -19 Pandemic

Napadaan lang kami sa isa sa mga popular at magandang overlooking sunset view na resort na matatagpuan malapit dito sa Barangay Concepcion, Busuanga Palawan at siyempre binigyan nadin tayo ng chance ng caretaker na maikot ang resort para makita ang paligid nito sa kabila na sarado po ang resort ngayong mga panahon dahil sa nangyaring Corona Virus O COVID -19 Pandemic.. Halos lahat naman ng resort ay walang operation dahil sa nangyaring epedemya globally at siyempre wala pang malinaw na balita sa ating gobyerno kung kelan babalik talaga ang normal na buhay na maaari ng magtravel ang mga local and foreign tourist para maghang-out, bumisita, magbakasyon, magrelax at mag-enjoy ang mga turista, Para bumalik na sa normal na operation ang bawat resort kabilang na ang isa sa pinakakilala at popular ding resort dito sa Busuanga Palawan..ang AlFARO RESORT.

Fishing in Mangroves Bingwit Ng Mga Isda Sa Bakawan

Nagbingwit lang kami mga tangay sa loob ng bakawan na malapit sa mga kabahayan. malalim ang dagat kaya may mga isdang pumapasok dito. nakakuha kami ng mga maliliit na isda at boteteng lumalaki ang tiyan. subalit bigo kaming makakuha ng isdang kanumpok na kumakain ng mga nasty food sa bakawan.