Namana ang mga tangay at nakakuha sila ng magagandang isda gaya ng Sur-an at Bigong na perfect na pang-ihaw at Tauban na malalaki. Ganon din ng mga mamahaling mga sea cucumber. Isa sa pinakamahal na sea cucumber ang tinatawag nilang, pangalawa sa pinakamahal ang tinatawag nilang Kurtido, pangatlo ang Batotoy at pang-apat ang hanginan na mga pinakamahal na mga sea cucumber.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento