Sumama po ako sa mga island vendors para makita ang buhay nila at mga karanasan sa paglalako ng mga paninda sa iba't-ibang lugar at isla dito sa Busuanga Palawan. Pumasok kami at naglakad sa mga bundok, beach, bakawan, putikan para makabenta at kumita ngayong panahon ng COVID-19 para makaraos sa pangaraw-araw na buhay. Nakabenta din kami ng Fishball, gulay at ilang damit..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento