Napadaan lang din ako sa Pass Island isa sa pinakasikat at popular na white sand beach dito sa Busuanga Palawan.. Madalas itong puno ng mga turista araw-araw na nagmumula sa iba't-ibang lugar. Ito ay maliit na isla ngunit meron siyang napakagandang white sand beach at meron syang mga built-in Tent at mga lamesa at upuan para sa turistang pumupunta. meron din lodging house na pwedeng mag overnight sa gabi kung guso niyo. Meron itong entrance fee at overnight fee na binabayaran. Pwede rin ditong mag volleyball sa beach at meron basketball court. Pwede ka rin umakyat at mag mountain hike sa mababa nitong bundok at ikutin ang buong isla. At mag snorkle sa harap nito para silipin ang iba't-ibang mga Clams, corrals at isda. Sa panahon ng COVID-19 Pandemic tanging mga care taker lang ang nakatira sa isla at isa din ito sa mga naapektuhan ng Pandemic. Kapag bumalik na sa normal at pwede na ule magtour ang mga local at foreign tourist isa ito sa mga isla na pwede niyong puntahan sa Busuanga Palawan.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento