Ayon sa mga sikat na travel agency Travel +Leisure at Conde Nast traveler ang Palawan ay number one at pinaka paboritong puntahan ng mga turista sa buong mundo. Nangunguna ito sa mga listahan ng mga isla at lugar na pinapasyala ng mga turista sa buong mundo. Number one noong 2013, 2016, 2017 at ngayong 2020. Di matatawaran ang ganda ng Palawan at ang magagandang tanawin nito mula sa magagandang mga Resort, Beaches, Island, Islet, Water falls, virgin forest, rivers, underground river, caves, mga lakes at mga diving site ng mga corral park, World war ll Japanese wreck at marami pang iba. Kaya alagaan natin ang Palawan at siyemprre huwag tayong papayag na hatiin ito sa 3.. please share para malaman din ng mga kapwa mo Pilipino at ng buong mundo..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento