Naghukay kami ng Burot sa Busuanga Palawan isang pagkain na napakasarap kainin. Ito ay pagkain umano ng mga tao noong panahon ng world war ll sa mga kabukiran.. dahil sa hirap ng buhay naghuhukay sila ng mga halamang lupa sa kabukiran para may makain sila at isa ang burot sa mga pangunahing pagkain nila noon.. napakasarap ilaga, gataan.. kapamilya siya ng mga kamote at ube ngunit kulay puti at medyo malagkit kapag iyong binalatan..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento