Napadaan lang ako sa Pachi Resort na matatagpuan sa maliit na isla ng Papachelen sa Busuanga Palawan. Ito ay merong simple at native na mga cottages. Ito ay inuupahan din ng isang kompanya at dinadala dito ang kanilang mga guest mula sa Coron at Elnido Palawan. Pwede rin mag overnight dito. Meron ding maliit na sand bar sa resort na ito. Dahil sa nangyaring COVID_19 pandemic.. natigil nadin ang operation nito at apektado ang kabuhayan ng mga empleyado nito. Pwede niyong pasyalan ang Pachi Resort sa mga darating na panahon kapag bumalik na sa normal na buhay at pwede ng mag tour ang mga local at foreign tourists.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento